Navigation |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Lubid
Tanaw ko ang dulo ng dagat habang matiyagang minamasdan ang tuluyang paglubog ng araw sa kanluran. Ang aking mga kamay ay marahang nilalaro ang maputing buhangin na aking kinauupuan.
Ramdam ko na ang lamig ng hangin. Umiihip ng may kalakasan.
Ang mga alon. Lumilikha ng tunog ng pakikipaglaban sa mga bato ng dalampasigan.
Nagsimula na ring magsihunihan ang mga kuliglig at mga ibong nakabibinging pakinggan.
Lumalamig na din ang buhangin. Tinatangay ng hangin ang maliliit nitong butil na tumatama sa aking mga pisngi.
Dito sa tahimik na lugar na ito. Dito natapos ang mga pangarap na buong buhay kong inasam.
Gumagapang sa hirap ang isang babae.
Umiiyak.
Walang tigil.
Nalilibot ng mga lalaking hubad at sabik sa makalamang pagnanasa. Isa-isa silang nagtanim ng binhi sa nakaaawang babae.
Bugbog na ang katawan.
Puno ng latay.
Tatlong putok ng baril ang tumapos sa aking asawa.
Wala kong nagawa.
Hindi ko sya naipagtanggol.
Nang dahil sa isang lubid.
|
|
|
|
|
|
|
Today, there have been 12 visitors (13 hits) on this page! |
|
|
|
|
|
|
|