Ako si Jayson Reyes, ama ng batang may sakit sa puso. At ang tanging katulong ko sa pagsuporta sa medikasyon ng aking anak, ang aking kapatid, Jashua Reyes.
Isang tip ang nakarating sa aming himpilan. Isang transaksyon ng mga ilegal na armas ang magaganap bukas ng gabi sa lumang bodega sa Balanga City. Agad naming pinlano ang gagawing pagsalakay sa nasabing transaksyon.
Gabina nang nabigyan ako ng pagkakataong bumisita sa aking anak na nasa ospital. Nakatulog na sa pagbabantay ang aking kapatid. Habang wala paring malay si Mark. May butas ang puso ni Mark at nangangailangan ng agadang organ transplantayon sa mga doktor na sumuri dito.
Nagbigay na nang go signal ang lider ng aming grupo. Signal na nagsasabing maaari na kaming sumalakay sa mga sindikato sa loob ng bodega. Nagkaputukan. Nakakabinging putukan. Mga balang nagliliparan na humahanap ng buhay na sasaniban. Naghandusay ang mga patay. Ligo sa dugo ang karamihan.
Nagtagumpay kami sa aming misyon. May ilang kaming nadakip ng buhay. Ang ilan naman ay nanlaban at ‘di sinanto ng kamatayan.
Ringggg!!!!!Ringggg!!!!!!!!
Binigla ako ng malakas na tunog ng aking cellphone. Hatid ng pagtunog na iyon ang masamang balita. Patakbo akong tumungo sa ospital. Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Suot ko pa ang uniporme na ginamit ko sa operasyon sa bodega habang nakasilip sa salaming bintana ngoperating room. Hindi parin ako bumibitaw sa pag-asang madudugtongan pa ang buhay ng aking anak.
“Sir, kailangan na po ng puso ng inyong anak sa lalong madaling panahon. Baka pag nagtagal pa ang ganitong sitwasyon ay hindi na kakayanin ng inyong anak,” sabi ng doktor paglabas nito sa operating room.
Tila isang milagro ang balitang dumating sa kanya nang isang donor umano ang boluntaryong nagbigay sa kanyang anak ng puso. Pusong galing isa sa mga napaslang sa inkwentro sa bodega na nagngangalang Joshua Reyes.
Today, there have been 11 visitors (12 hits) on this page!