TEKNOARTIST
  Riles
 

Riles

Tanaw ang usok ng paparating na tren mula sa aking kinauupuan. Bahagya ko naring nauulinigan ang dagundong ng mga gulong at makina nito. Maya maya pay mabilis nang lumalaki ang imahe sa aking paningin, sinyales na malapit na malapit na ito sa aking kinauupuan.

Isang may edad na lalaki ang nasa gawing kanan ang tila tinatapatan ang bilis ng takbo ng tren patungo sa akin.

 Mabilis, at pabilis ng pabilis.

 Hindi alintana ang mga matutulis na bato na tumutusok sa kanyang mga paa.

Sugatan, at patuloy na nagdurugo.

Ibinaling kong muli ang tingin sa paparating na tren. Halos nariyan na. Ramdam ko na ang yanig na dulot nito sa bakal na riles.

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng aking luha habang nakatanaw sa lalaking hindi parin sumusuko sa pakikipagkarera sa bilis ng tren. Parang hinilamusan ang mukha ng lalaki sa luha na bumaha na sa kanyang mukha. Bakas din ang takot at pangamba.

Anakkkkkkk!!!!!!! Sigaw niyang kasabay ang malakas na busina ng tren at pagtigil ng tibok ng aking puso.

 
 
  Today, there have been 15 visitors (16 hits) on this page!  
 
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free