TEKNOARTIST
  Magkapatid
 
MAGKAPATID

Marahan kong itinulak ang kahoy na pinto hanggang sa ito ay tuluyang bumukas. Tumambad sa akin ang maraming taong nakapalibot sa nakasisilaw na liwanag ng mga bumbilya.
Nagpalakpakan ang mga tao. Kasabay noon ang muling pagsayaw ng mga ilaw na lumilikha ng kaakit-akit na disenyo ng liwanag. Maya-maya pa’y lumabas na ang mga babaeng hubad at pumwesto sa entabladong nasa gitna. Gumiling, lumiyad na tila nang-aakit ang mga galaw nito sa saliw ng iba’t-ibang tugtuging binubuga ng malalaking speaker sa bawat sulok ng bar. Puno ng pagkain at inumin ang lamesang kinauupuan namin ng aking kuya. Araw noon ng aking kaarawan. Dala ko rin ang bagong laptop na regalo niya sa akin.Kwentuhan, tawanan at walang humpay na kantahan ang tanging namayani sa amin ng mga oras na iyon.
Napalingon sa akin ang mga taong nakapalibot sa mga bumbilya. Tila may ibang kilabot na dala ang mga titig nila sa akin. Hinakbang ko ang aking mga paa patungo sa mga ilaw. Bahagya silang gumalaw upang magbigay ng sapat na daan para sa akin. Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa akin mga mata.
Humahampas na ang mga sanga ng puno sa bintana ng aming silid aralan sa elementarya. Patuloy narin ang paglakas ng ulan na limilikha na ng maliliit na pagbaha. Nagsisidatingan na ang mga magulang ng aking mga kamag-aral na may mga dalang payong at kapote upang sila ay sunduin. Natatanaw ko narin ang aking kuya na basang-basa at may dalang isang maliit na kapote. Agad niyang isinuot sa akin ang kapoteng iyon. Binuhat nya ako at isinalta sa kanyang batok. Nanginginig man sa lamig ay nagawa parin niyang pasanin ako hanggang sa aming bahay.
Muli kong ipinagpatuloy ang paglakad. Hanggang sa tuluyan ko nang marating ang dulo. Sa gitna ng mga bumbilya ay may isang kahon. 
Gamit ang kotse ng aking kuya ay tinatahak namin ang kahabaan ng kalye katorse. May hawak pang mga bote ng alak at nahihilo na sa kalasingan. Nang may isang lalaking tumawid at nabundol ng aming sasakyan. Sa takot na itakwil ng mga magulang ay tinakbuhan namin ang lalaking duguan na nag-aagaw buhay. Ang aking mga kaibigan ay nagmamadali nang tumakas. Agad kong pinalinis ang sasakyan sa malapit na talyer.
Napasigaw ako nang makita sa loob ng kahon ang katawan ng aking kuya. Puno ng sugad, at bakas ang hirap na pinagdaanan. Gustuhin ko mang siya ay yakapin, ay hindi ko na magawa. Nakabigkis na ng posas ang aking mga kamay at mayamaya pa’y kaylangan ko nang bumalik ng kulungan.

 
 
  Today, there have been 14 visitors (15 hits) on this page!  
 
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free